Artikulo ni Xi Jinping sa pagsuporta sa modernisasyong Tsino sa pamamagitan ng de-kalidad na pag-unlad ng populasyon, ilalabas

2024-11-15 16:33:07  CMG
Share with:

Sa ika-22 isyu ng Qiushi Journal, isang flagship magazine ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ilalabas Sabado, Nobyembre 16, 2024 ang mahalagang artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pagsuporta sa modernisasyong Tsino, sa pamamagitan ng de-kalidad na pag-unlad ng populasyon.

 

Iniharap sa nasabing artikulo ang mga pangunahing tungkulin sa usaping ito.

 

Una, palalimin ang reporma at inobasyon sa usapin ng edukasyon at kalusugan, at pataasin ang komprehensibong kalidad ng populasyon.

 

Ika-2, itatag at kumpletuhin ang sistema ng mga patakaran sa pagsuporta sa panganganak, at pasulungin ang pangmalayuan at balanseng pag-unlad ng populasyon.

 

Ika-3, palakasin ang paggagalugad at paggamit ng yamang tao, at dagdagan ang mabisang suplay ng lakas paggawa sa buong lipunan.

 

Ika-4, isagawa ang pambansang estratehiya ng aktibong pagharap sa pagtanda ng populasyon.

 

At ika-5, mas mainam na koordinahin ang relasyon sa pagitan ng populasyon, kabuhayan, lipunan, yaman at kapaligiran, at pangalagaan ang seguridad ng populasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil / Frank