Paglaki ng kalakalan sa paninda ng Tsina’t LAC, mananatili pang mabilis – tagapagsalitang Tsino

2024-11-15 09:36:21  CMG
Share with:


Ipinahayag Huwebes, Nobyembre 14, 2024, ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na itinuturing ng Tsina at Latin America and the Caribbean (LAC) ang isa’t isa bilang oportunidad ng pag-unlad. Naniniwala aniya siyang sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, patuloy na mananatiling mabilis ang paglaki ng kanilang kalakalan sa paninda at isasakatuparan ang win-win na resulta sa mas mataas na lebel. 


Winika ito ni Lin sa regular na preskon bilang tugon sa tanong kaugnay ng International Trade Outlook for Latin America and the Caribbean 2024 na inilabas kamakailan ng United Nations Economic Commission for Latin America and the Caribbean (ECLAC). Ayon sa naturang ulat, mula noong 2000 hanggang 2022, lumawak nang 35 beses ang kalakalan sa paninda sa pagitan ng Tsina at LAC, habang lumaki ng apat na beses lamang ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng LAC at iba pang lugar ng daigdig. 


Anang tagapagsalitang Tsino, ang mabilis na paglaki ng kalakalan sa paninda ng Tsina at LAC ay nagpapakita ng pagkokomplemento sa mataas na label ng kabuhayan ng dalawang panig. Halimbawa, ang Chile ay nagsisilbing ikalawang pinakamalaking pinagmumulan ng mga sariwang prutas ng Tsina. Kasabay nito, ang new energy industrial chain ng Tsina ay nagdudulot ng mas abot-kayang kalutasan para sa berdeng transpormasyon ng LAC. Hanggang sa kasalukuyan, may limang trade partner ang Tsina sa rehiyong ito. 


Salin: Jade 

Pulido: Ram/Frank