Tsina at Rusya, pahihigpitin ang kooperasyon sa seguridad at pagpapatupad ng batas

2024-11-15 14:07:02  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo, Nobyembre 13, 2024 sa Beijing, kay Sergei Shoigu, Kalihim ng Federation Security Council ng Rusya, ipinahayag ni Chen Wenqing, Miyembro ng Pulitburo at Kalihim ng Political and Legislative Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na sapul nang maitatag ng dalawang bansa ang mekanismo ng kooperasyon sa pagpapatupad ng batas at seguridad, 11 taon na ang nakakaraan, mahigpit na nagtutulungan ang mga tagapagpatupad ng batas at mga ahensya ng seguridad ng dalawang bansa sa larangan ng pagpapanatili ng seguridad sa pulitika, kontra-terorismo at hudisyal na tulong, at natamo nito ang maraming praktikal na resulta.


Sinabi ni Chen na dapat patuloy na itaguyod ng dalawang panig ang implementasyon ng mga napagkasunduang usapin at magtulungan para maiwasan at tugunan ang mga banta at hamon sa seguridad.


Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Ruso, na palalilim ng estratehikong komunikasyon, pasulungin ang pagkokoordinahan at kooperasyon sa pagitan ng mga kaukulang departamento ng dalawang panig at palalimin ang kooperasyong panseguridad sa mga larangang gaya ng seguridad sa pulitika, cyber security, “Belt and Road” at pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen para magkasamang lumikha ng higit pang mga resulta ng pagtutulungan at higit pang mapahusay ang pagpapanatili ng pangkalahatang pag-unlad at katatagan ng dalawang bansa.


Sinabi naman ni Shoigu na nakahanda ang kanyang bansa na pasulungin ang komprehensibong kooperasyon ng dalawang bansa sa seguridad at pagpapatupad ng batas para mas maayos na mapangalagaan ang pambansang seguridad ng dalawang bansa.


Magkasama ring pinanguluhan nila ang ika-9 na pulong ng mekanismo ng kooperasyon ng dalawang bansa sa seguridad at pagpapatupad ng batas.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Frank