Inanunsyo Biyernes, Nobyembre 15, 2024 ng China Coast Guard (CCG) na sa pag-aapruba ng Tsina, muling inihatid ng isang sibilyang bapor ng Pilipinas ang mga pangangailangan sa pamumuhay sa isang ilegal na nakasadsad na bapor-pandigma sa Ren’ai Jiao sa South China Sea ng Tsina.
Ayon kay Liu Dejun, Tagapagsalita ng CCG, isinagawa ng CCG ang beripikasyon at pagmomonitor sa buong proseso ng paghahatid.
Hinimok ni Liu ang panig Pilipino na tuparin ang mga sariling pangako nito, at makipagtulungan sa Tsina, upang kontrulin ang situwasyong pandagat.
Ipagpapatuloy ng CCG ang mga aktibidad ng pangangalaga sa mga karapatan at pagpapatupad ng batas sa Nansha Qundao ng Tsina na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao, at mga katabing tubig nito, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Ramil / Frank