CMG Komentaryo: bagong pag-unlad ng Tsina, tiyak na dudulutin ang bagong puwersang tagapagpasulong para sa paglaki ng kabuhayan ng buong mundo

2024-11-17 21:33:54  CMG
Share with:

Sa Ika-31 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting na idinaos  Nobyembre 16, 2024, lokal na oras, sa Lima, Peru, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na i-hohost ng Tsina ang APEC Economic Leaders’ Meeting sa taong 2026, na nagpakita ng kapasiyahan ng Tsina na magbigay ng ambag at lakas para sa pag-unlad ng rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Sa ika-31 APEC Economic Leaders’ Meeting, inilahad ni Pangulong Xi ang tatlong mungkahi: Una, itatag ang bukas at integradong kooperasyon ng Asya-Pasipiko; Ikalawa, gawing berdeng inobasyon ang lakas tagapagpasulong para sa Asya-Pasipiko; Ikatlo, itaguyod ang ideya ng unibersal na benepisyal at inklusibong pag-unlad sa Asya-Pasipiko, na tinukoy ang direksyon para sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Asya-Pasipiko at paglilikha ng bagong panahon ng pag-unlad ng Asya-Pasipiko.

 

Bilang mahalagang miyembro ng Asya-Pasipiko, dudulutin ng pag-unlad ng Tsina ang benepisyo para sa rehiyong ito. Sa ika-31 APEC Economic Leaders’ Meeting, ipinahayag ni Pangulong Xi na komprehensibong palalalimin ng Tsina ang reporma, pasusulungin ang dekalidad na pag-unlad ng bansa, buong tatag na tatahak sa landas ng berdeng pag-unlad, at itatag ang bagong bukas na ekonomikong sistema sa mas mataas na lebel.

 

Tiyak na dudulutin ng bagong pag-unlad ng Tsina ang bagong puwersang tagapagpasulong para sa paglaki ng kabuhayan ng buong mundo, at inaasahang patuloy na itatatag ng mga miyembro ng APEC ang bukas, eklusibo, berde at didyital na Asya-Pasipiko.

 

Salin:Sarah