CMG Komentaryo: Tsina at Amerika, dapat magsikap para maidulot ang positibong enerhiya sa magulong daigdig

2024-11-17 20:54:44  CMG
Share with:

Sa kanilang pagtatagpo, Nobyembre 16, 2024 (lokal na oras), sa Lima, Peru, isinagawa nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika ang matapat, malalim at konstruktibong komunikasyon hinggil sa relasyong Sino-Amerikano at iba pang isyung panrehiyon’t pandaigdig.

 

Inilahad ni Pangulong Xi ang prinsipyo’t paninindigan ng Tsina sa mga mahalagang isyu, at inulit ni Pangulong Biden ang mga pangakong pulitikal na tulad ng hindi paghahangad ng Amerika ng “Bagong Cold War” laban sa Tsina, hindi pagsuporta sa “pagsasarili ng Taiwan,” at iba pa.

 

Dumaranas ng kaguluhan nitong nakaraang ilang taon ang relasyong Sino-Amerikano, pero, matatag pa rin ito sa kabuuan.

 

Sa naturang pagtatagpo, 7 aral ng karanasan ang inilahad ni Pangulong Xi, na tulad ng, pagkakaroon ng tumpak na estratehikong kaalaman, hindi paghamon sa pulang linya, madalas na pagsasagawa ng diyalogo, at iba pa.

 

Tinukoy ng mga ito ang direksyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano sa hinaharap.

 

Maliban diyan, binigyan-diin ni Pangulong Xi, na hindi nagbabago ang target ng Tsina sa pangangalaga sa matatag, malusog at sustenableng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano; hindi nagbabago ang prinsipyo ng Tsina sa paghawak ng relasyong Sino-Amerikano alinsunod sa paggalang sa isa’t-isa, mapayapang pakikipamuhayan, kooperasyon at mutuwal na kapakinabangan; hindi nagbabago ang paninindigan ng Tsina ng matatag na pangangalaga sa soberanya, seguridad at kapakanan ng pag-unlad; at hindi nagbabago ang mithiin ng Tsina sa pagpapatuloy ng tradisyonal na pagkakaibigan ng mga Tsino at Amerikano.

 

Ipinakikita ng mga ito, na ang Tsina ay isang responsableng bansa, na naghahangad ng makatarungang pangangalaga sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at mapayapang pag-unlad ng buong daigdig.

 

Bilang pinakahamagalang bilateral na relasyon sa buong mundo, ang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay may kinalaman sa kinabukasan at kapalaran ng sangkatauahan, at narating ng mga lider ng dalawang bansa ang konsenso hinggil dito.

 

Isinasabalikat ng Tsina at Amerika ang partikular na responsibilidad sa pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig at pagpapasulong ng komong pag-unlad, at dapat magkasamang magsikap ang kapuwa panig para maidulot ang positibong enerhiya sa magulong daigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio Lito