CMG Komentaryo: Pagbubukas, malinaw na tatak ng modernisasyong Tsino

2024-11-12 15:31:53  CMG
Share with:

Ipininid, Nobyembre 10, 2024 ang Ika-7 China International Import Expo (CIIE).

 


Ipinakikita ng datos na mabungang mabunga ang kasalukuyang ekspo: 80.01 bilyong dolyares na nilalayong kasunduan ang narating sa isang taon, na lumaki ng 2% kumpara noong nagdaang ika-6 na CIIE; 3,496 na eksibitor mula sa 129 na bansa’t rehiyon ang kasali rito, at kabilang dito, pinakamataas sa kasaysayan ang bilang ng mga kalahok na top 500 enterprises at namumukod na kompanya sa daigdig; inilabas at itinanghal, sa kauna-unahang pagkakataon, sa kasalukuyang ekspo ang 450 makabagong produkto, teknolohiya at serbisyo; at muling iniangat ang pagtatanghal ng mga bansa, bagay na ibayo pang nakapagpasulong sa pragmatikong kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan at iba pang larangan.

 

Samantala, inilunsad din ng Tsina ang isang serye ng mga patakaran sa pagbubukas, na gaya ng pagsubok ng visa free policy sa 9 na bansang kinabibilangan ng Slovakia at Norway; pag-aalis ng lahat ng mga restriksyon sa pagpasok ng pamumuhunang dayuhan sa industriya ng manupaktura ng bansa; at plano sa pagbibigay ng serong taripa sa 100% produkto ng mga pinaka-di-maunlad na bansa simula Disyembre 1, 2024.

 

Bunga ng nasabing serye ng mga patakaran, nagiging mas maginhawa ang pagbisita ng mga banyagang mamamayan sa Tsina, mas maalwan ang pag-unlad ng mga puhunang dayuhan, at mas malawak ang espasyo ng kooperasyon.

 

Kasabay ng tuluy-tuloy na pagtatayo ng Tsina ng mga plataporma ng pagbubukas sa mataas na antas na gaya ng CIIE at paglulunsad ng isang serye ng mga hakbangin sa pasilitasyon sa pagpasok sa bansa, may paborableng kondisyon para sa ibayo pang pag-unlad ng mga banyagang kompanya sa Tsina, at pagtatamasa ng pagkakataong dulot ng malaking merkado ng Tsina.

 

Ibig sabihin, ang pagbubukas ay malinaw na tatak ng modernisasyong Tsino, at bihirang yaman na ipinagkakaloob ng Tsina sa daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil / Frank