Mas maliwanag na relasyong Sino-Brasilyano at isang makatarungan’t sustenableng mundo, ipinanawagan ni Xi Jinping

2024-11-17 16:53:34  CMG
Share with:


Bago ang kanyang biyahe sa Rio de Janeiro, Brasil, para sa Ika-19 na Summit ng Group of 20 (G20) at dalaw-pang-estado sa bansa, inilabas Nobyembre 17, 2024, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa pahayagang Folha de S. Paulo, ang artikulong pinamagatang "Pagkakaibigang Tumawid sa Malawak na Karagatan, Biyahe tungo sa Mas Maliwanag na Pinagbabahaginang Kinabukasan."

 

Binigyan ng mataas na pagtasa ni Xi ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Brasil nitong 50 taong nakalipas, sapul nang itatag noong 1974 ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Umaasa aniya siyang mapapalakas ang relasyon ng dalawang bansa, magagalugad ang mga bagong aspekto ng kooperasyon, mapapalalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at mapaplakas ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig.

 

Kaugnay naman ng G20 Summit, ipinahayag ni Xi ang pagsuporta sa pagtuturing ng Brasil sa usapin ng “paglaban sa gutom at karalitaan” bilang pangunahing paksa ng summit.

 

Kasama ng iba pang mga kasapi ng G20, nakahanda aniya ang Tsina, na gawing nukleo ng kooperasyon ng naturang grupo ang mga usaping pangkaunlaran, at pagpapasulong sa berde at mababang karbong pag-unlad sa daigdig, para itatag ang makatarungan at sustenableng mundo.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan