Tsina, nanawagang pasulungin ng G20 ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig

2024-03-13 14:43:02  CMG
Share with:

Nanawagan kahapon, Marso 12, 2024 si Dai Bing, Pangalawang Pirmihang Kinawatan ng Tsina sa United Nations (UN), na pasulungin ng Group of 20 (G20) ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

 

Sinabi ni Dai na dapat ilagay ng G20 ang kaunlaran sa priyoridad ng kooperasyon.

 

Kasama ng iba’t ibang panig, nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang kooperasyon sa pagpawi ng kahirapan, seguridad ng pagkaing-butil at pagpawi ng di-pagkakapantay-pantay, dagdag pa ni Dai.

 

Saad pa niyang dapat isagawa ng G20 ang kooperasyon sa patakaran ng macro-economy, palugarin ang nakatagong-lakas ng didyital na ekonomiya at patuloy na pasulungin ang reporma ng pangangasiwa sa kabuhayang pandaigdig.

 

Bukod dito, bumati ang panig Tsino sa panunungkulan ng Brazil bilang kasalukuyang tagapangulong bansa ng G20.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil