Sa kanyang liham na pambati para sa opisyal na pagkomisyon ng Meng Xiang, unang barkong pambutas sa malalim na karagatang sarilinang idinisenyo’t ginawa ng Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping, na ito ay sumasagisag sa mahalagang hakbang ng pag-akses, eksplorasyon at pag-unlad ng bansa sa larangan ng paggagalugad ng malalim na karagatan.
Ito’y isa pang pangunahing bunga ng pagpapabuti ng lakas-pandagat, at pansiyensiya’t panteknolohiya ng Tsina, ani Xi.
Idinaos Nobyembre 17, 2024, sa lunsod Guangzhou, lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina, ang naturang aktibidad.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio Lito