Sa okasyon ng Ika-19 na G20 Summit na idinaos sa Rio De Janeiro, Brasil, nagtagpo Nobyembre 18, 2024 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Anthony Albanese ng Australia.
Tinukoy ni Xi na walang pundamental na salungatan ng interes sa pagitan ng Tsina at Australia kung igigiit ang mutuwal na paggalang sa isa’t isa, pagkakapantay-pantay, at paghahanap ng komong palagay habang isinasantabi ang pagkakaiba, siguragong magiging maganda ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Nakahanda aniya ang panig Tsino na angkatin ang mas maraming de-kalidad na produktong Australyano at hikayatin ang mga kompanyang Tsino na mamuhunan at magsimula ng negosyo sa Australia.
Dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang koordinasyon at kooperasyon, tutulan ang proteksyonismo at itaguyod ang pagbabahaginan ng pagkakataon at kapakanan ng iba’t ibang bansa mula sa pagbubukas, dagdag ni Xi.
Ipinahayag naman ni Albanese na matatag na iginigiit ng kanyang bansa ang prinsipyong isang-Tsina, tinututulan ang decoupling, at itinataguyod ang pagpapasulong ng globalisasyon ng ekonomiya.
Umaasa aniya siyang pahihigpitin ang kooperasyon sa Tsina sa mga larangang gaya ng transpormasyon ng enerhiya, at pagharap sa pagbabago ng klima at iba pa.
Pinahahalagahan ng Australia ang mahalagang papel ng Tsina sa mga multilateral na organisasyong gaya ng APEC at kinakatigan ang panununkulan ng Tsina bilang punong-abala sa 2026 APEC Economic Leaders' Meeting, dagdag ni Albanese.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Lito