Pag-unlad ng ugnayang Sino-Mexico sa lahat ng mga aspekto sa makabagong panahon, ipinanawagan ni Xi

2024-11-19 07:52:04  CMG
Share with:

Sinabi Lunes, Nobyembre 18, 2024 (lokal na oras) si Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kailangang patuloy na palakasin ng Tsina at Mexico ang pagpapalitan, ipagpatuloy ang pagkakaibigan, mainam na gamitin ang lubos na komplimentaridad na katangian ng dalawang ekonomiya, walang patid na pasulungin ang pragmatikong kooperasyon at pasulungin ang buong pag-unlad ng bilateral na relasyon sa lahat ng mga aspekto sa makabagong panahon.

 

Winika ito ni Xi sa pakikipagtagpo sa kanyang Mexican counterpart na si Claudia Sheinbaum Pardo sa sidelines ng Ika-19 na Summit ng mga Lider ng Group of 20 (G20).

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil / Lito