Sa kanyang talumpating pinamagatang “Pagtatatag ng Isang Makatarungang Daigdig ng Komong Kaunlaran” sa Unang Sesyon ng Ika-19 na Summit ng mga Lider ng Group of 20 (G20) Nobyembre 18, 2024 (lokal na oras), sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nagtrabaho minsan siya sa mga pamahalaan sa antas ng nayon, kondehan, lunsod, lalawigan at sentral, at ang pagbibigay-tulong sa mahihirap ay isa sa mga mahalagang nilalaman ng mga gawain.
Aniya, napapatunayan ng karanasan ng Tsina sa pagpuksa sa karalitaan na maaaring resolbahin ang isyung ito ng mga umuunlad na bansa.
Nagtagumpay ang Tsina sa usaping ito, at mapapagtagumpayan din ng ibang umuunlad na bansa ang karalitaan. Ito ang katuturang pandaigdig ng pagtagumpay ng Tsina sa kampanya laban sa karalitaan, dagdag ni Xi.
Salin: Vera
Pulido: Ramil / Lito