Muling pagbalik ng ugnayang Sino-Indian sa landas tungo sa matatag at malusog na pag-unlad, inaasahan ni Wang Yi

2024-11-19 14:55:31  CMG
Share with:

Rio de Janeiro, Brasil – Sa kanyang pakikipagtagpo Nobyembre 18, 2024 kay Subrahmanyam Jaishankar, Ministro ng mga Suliraning Panlabas ng India, inaasahan ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na ipapatupad ng panig Tsino’t Indian ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa; igagalang ang nukleong interes ng isa’t isa; pahihigpitin ang pagtitiwalaan sa pamamagitan ng diyalogo’t pag-uugnayan; maayos na hahawakan ang mga alitan batay sa katapatan at integridad; at pasusulungin ang muling pagbalik ng bilateral na relasyon sa landas tungo sa matatag at malusog na pag-unlad.

 


Kasama ng panig Tsino, inihayag naman ni Jaishankar ang kahandaang palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa mga multilateral na mekanismong gaya ng Group of 20 (G20) at BRICS.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil / Lito