Ministrong panlabas ng Tsina at Rusya, nagtagpo

2024-11-19 14:47:56  CMG
Share with:


Sa kanyang pakikipagtagpo, Nobyembre 18, 2024 sa Rio de Janeiro, Brasil, sa kanyang Russian counterpart na si Sergei Lavrov, inihayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang kahandaan ng panig Tsino na kasama ng panig Ruso, ibayo pang palalakasin ang koordinasyon at sinerhiya, pasusulungin ang walang humpay na paglitaw ng makabagong kasiglahan ng komprehensibo’t estratehikong koordinasyon ng dalawang bansa, at gagawin ang kinakailangang ambag para sa pag-unlad at pag-ahon ng sariling bansa at reporma sa pandaigdigang pangangasiwa.

 

Nagpalitan din ng kuru-kuro ang magkabilang panig hinggil sa krisis ng Ukraine, situwasyon ng Korean Peninsula at iba pang isyu.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil / Lito