Pangulo ng Tsina at Pransya: Panatilihin ang matatag at positibong pag-unlad ng bilateral na relasyon

2024-11-20 01:07:43  CMG
Share with:

 

Sa sidelines ng G20 Summit sa Rio de Janeiro, Brazil, nagtagpo Nobyembre 19 ng umaga, lokal na oras, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya.

 

Sinabi ni Xi, na kailangang palalimin ng Tsina at Pransya ang estratehikong pag-uugnayan, palakasin ang pagkatig sa isa’t isa, panatilihin ang tunguhin ng matatag at positibong pag-unlad ng bilateral na relasyon, at ibigay ang ambag para sa mainam na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Europa at kapayapaa’t katatagan ng daigdig.

 

Ipinahayag naman ni Macron ang kahandaan ng Pransya, kasama ng Tsina, na pahigpitin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, pasulungin ang pagpapalitang tao-sa-tao, ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan, at buuin ang bagong tipong relasyon ng dalawang bansa.


Editor: Liu Kai