Nagtagpo ngayong araw, Oktubre 21, 2024 sa Beijing sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Laurent Fabius Presidente ng Constitutional Council ng Pransya.
Ipinahayag ni Wang na kapwa iginigiit ng Tsina at Pransya ang nagsasariling diplomasya at ito ay nakakabuti sa katatagan at kapayapaan ng daigdig.
Ani Wang na ang mga kasalukuyang alitan sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Unyong Euroepo (EU) ay hindi angkop sa kapakanan ng dalawang panig.
Umaasa aniya siyang mahahanap ng dalawang panig ang paraan ng paglutas sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian.
Ipinahayag naman ni Fabius na ang pagigiit ng pagsasarili at pagkakaibigan sa Tsina ay tradisyon ng diplomasya ng kanyang bansa.
Aniya pa, palagiang iginigiit din ng Pransya ang maayos na paglutas sa mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio