Sa sidelines ng G20 Summit sa Rio de Janeiro, Brazil, nagtagpo Nobyembre 19 ng umaga, lokal na oras, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Chancellor Olaf Scholz ng Alemanya.
Tinukoy ni Xi, na nitong mahigit sa kalahating taong nakalipas sapul nang dumalaw noong nagdaang Abril si Scholz sa Tsina, natamo ng kooperasyon ng dalawang bansa ang mahahalagang bunga, at nakikita ang bagong kasiglahan ng bilateral na relasyon.
Kailangan aniyang patatagin ng dalawang bansa ang kanilang komprehensibo at estratehikong partnership, batay sa pangmalayuan at estratehikong pananaw, at ipagpatuloy ang kooperasyong magdudulot ng tagumpay sa isa’t isa.
Dagdag ni Xi, gusto ng Tsina na isagawa ang pakikipagkooperasyon sa Europa, magkasamang harapin ang mga hamon, at pasulungin ang tuluy-tuloy, matatag, at malusog na relasyon ng dalawang panig.
Sumang-ayon naman si Scholz sa pagtasa ni Xi sa relasyon ng dalawang bansa.
Umaasa aniya ang Alemanya, kasama ng Tsina, na pauunlarin ang kanilang komprehensibo at estratehikong partnership, palalakasin ang bilateral at multilateral na diyalogo at kooperasyon, maayos na lulutasin ang mga hidwaan, isasakatuparan ang win-win, at ibibigay ang ambag para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at komong kasaganaan ng mundo.
Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Alemanya na gumawa ng pagsisikap, para malutas sa lalong madaling panahon ang mga isyung dulot ng pagdaragdag ng Unyong Europeo ng taripa sa mga kotseng de-kuryente ng Tsina, sa pamamagitan ng diyalogo at talastasan.
Editor: Liu Kai