Aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Alemanya, idinaos

2024-10-12 15:00:47  CMG
Share with:

Isang aktibidad ang itinaguyod ng China Media Group (CMG), Oktubre 11, 2024 sa Munich ng Alemanya bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng komprehensibong estratehikong pagkakatuwang ng Tsina at Alemanya.

 

Ayon kay Xing Bo, Pangalawang Presidente ng CMG, kasama ng mga kaibigan sa iba’t-ibang sektor ng Alemanya, nakahandang itala ng CMG ang mga kuwento ng pagpapalagayan ng dalawang bansa; pasulungin ang pagkaka-unawaan ng mga mamamayan; at palalimin ang kooperasyon sa paggawa ng mga programa, aktibidad pang-media, at inobasyon ng teknolohiya.

 

Samantala, inilunsad din sa nasabing aktibidad ang mga proyekto ng kooperasyon sa pagitan ng CMG at mga media ng Alemanya.

 

Dumalo sa pagtitipon ang mga diplomatang Tsino sa Alemanya at mga opisiyal ng lokal na pamahalaan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio