Mabuting relasyon sa kapitbansa, tanging paraan sa pangangalaga sa sariling seguridad

2024-11-18 16:54:41  CMG
Share with:

Kaugnay ng paglagda ng Pilipinas at Amerika sa kasunduan ng pagbabahaginan ng impormasyong militar, inihayag ngayong araw, Nobyembre 18, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang tanging paraan para mapangalagaan ang sariling seguridad, rehiyonal na katatagan, at kapayapaan ay paggigiit ng mabuting relasyong pangkaibigan sa kapitbansa at independiyenteng estratehiya.

 

Ang anumang kasunduang militar at kooperasyong pandepensa ay hindi dapat aniya nakatuon at nakakapinsala sa kapakanan ng ikatlong panig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio/Lito