Pangulo ng Tsina at Bolivia: Palalimin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa

2024-11-20 01:10:07  CMG
Share with:

 

Sa sidelines ng G20 Summit sa Rio de Janeiro, Brazil, nagtagpo Nobyembre 19 ng umaga, lokal na oras, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Luis Arce ng Bolivia.

 

Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Bolivia, na samantalahin ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa sa susunod na taon, para ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan, palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan, palawakin ang kooperasyong may mutuwal na pakinabang, pag-ugnayan ang Belt and Road Initiative at planong pangkaunlaran ng Bolivia, at patnubayan ang pagtaas ng estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas.

 

Sinabi naman ni Arce, na palalalimin ng Bolivia, kasama ng Tsina, ang estratehikong partnership, palalakasin ang kooperasyon sa konektibidad ng imprastruktura, at pasusulungin ang kooperasyon sa loob ng mga multilateral na balangkas na gaya ng BRICS at Porum ng Tsina at Latin-Amerika.


Editor: Liu Kai