Vientiane — Sa kanyang pakikipagtagpo Nobyembre 22, 2024 kay Dong Jun, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, ipinahayag ni Thongloun Sisoulith, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng People's Revolutionary Party at Presidente ng Laos, na napakatibay ng pagkakaibigang Lao-Sino, at dapat patuloy na palakasin ng dalawang hukbo ang estratehikong pagkokoordinahan at walang patid na palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Dong ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap kasama ng panig Lao upang walang humpay na mapalalim ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang hukbo at ibayo pang mapasulong ang kanilang relasyon.
Nang araw ring iyon, nag-usap sina Dong at Chansamone Chanyalath, Pangalawang Punong Ministro at Tanggulang Bansa ng Laos.
Salin: Lito
Pulido: Ramil