Pagkaraan ng mahigit 30 oras na pagpapaliban, ipininid ngayong madaling araw, lokal na oras, sa Baku, Azerbaijan, ang 2024 United Nations Climate Change Conference o COP29.
Ang pinakamalaking bunga ng pulong ay pagkakaroon ng isang kasunduang nagsasabing bago ang taong 2035, ipagkakaloob taun-taon ng mga maunlad na bansa ang 300 bilyong US dolyer sa mga umuunlad na bansa, bilang pagsuporta sa mga aksyon laban sa pagbabago ng klima.
Sa kasalukuyang pulong, nanawagan ang delegasyong Tsino sa lahat ng mga panig, na igiit ang multilateralismo sa isyung may kinalaman sa pangangasiwa ng klima, sundin ang prinsipyong “komon pero magkakaibang mga responsibilidad,” at tiyaking walang pag-atras mula sa Paris Agreement.
Lumahok din ang mga kinatawang Tsino sa lahat ng mga talastasan at pagsasanggunian tungkol sa iba’t ibang isyu, at ginanap nila ang konstruktibo at namumunong papel para sa tagumpay ng pulong.
Editor: Liu Kai