Sa pamamagitan ng New Era Institute of International Communication (NEIIC), isang sarbey ang magkasamang inilunsad ng China Global Television Network (CGTN) at Renmin University ng Tsina.
Ayon dito, 90.3% respondiyente ang naniniwalang kailangang agarang harapin, magkaroon ng nagkakaisang palagay, at magsagawa ng mas maraming aktuwal na aksyon ang komunidad ng daigdig sa usapin ng pagbabago ng klima.
Nakahanda naman ang 80.8% respondiyente mula sa mga umuunlad na bansa na magbayad ng ekstra sa environmentally friendly product, at ito ay 26.5% mas mataas kaysa mga respondiyente mula sa mga maunlad na bansa.
Positibo ang 86.6% respondiyente mula sa mga umuunlad na bansa sa paggamit ng mga teknolohiya at produkto ng bagong enerhiya, at ito ay 17% mas mataas kaysa mga maunlad na bansa.
Samantala, sang-ayon ang 96.1% respondiyente mula sa mga umuunlad na bansa na dapat pabilisin ang pagpapaunlad ng berdeng industriya para harapin ang pagbabago ng klima, pero halos 11% mas mababa ang proporsyon ng mga mamamayang may ganitong pananaw sa mga maunlad na bansa.
Sa palagay ng 75.3%, kapos sa katapatan at aksyon ang mga maunlad na bansa sa aspekto ng global climate governance, bagay na malubhang nakapagpahina ng hakbang ng kooperasyon sa aspektong ito.
Hinimok ng 85.8% respondiyente ang mga maunlad na bansa na ipagkaloob sa mga umuunlad na bansa ang masusing suporta sa pangingilak ng pondo para sa klima, upang pasulungin ang pagpapatupad ng Paris Agreement.
Nanawagan naman ang 89.8% sa mga maunlad na bansa na ipakita ang mas malaking ambisyon at aksyon sa isyu ng pagbabago ng klima.
Kasali sa nasabing sarbey ang mga respondiyente mula sa mga maunlad na bansang gaya ng Amerika, Alemanya, at Hapon, at mga umuunlad na bansang kinabibilangan ng Argentina, India at Kenya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio / Lito
Mas maraming puwersa sa kooperasyon ng APEC, idudulot ng Tsina – sarbey ng CGTN
Sarbey ng CGTN: Mga pandaigdigang respondente, optimistiko sa pamilihang Tsino
Pandaigdigang respondiyente, pinuri ang modernisasyon ng Tsina – sarbey ng CGTN
Mga mamamayan ng bansang BRICS, nanawagang isagawa ang reporma sa pandaigdigang pangangasiwa