Friday, 25  Apr

Tsina: Dapat mapigilan ang sagupaan sa Gaza Strip

2024-11-26 14:51:30  CMG
Share with:

Sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng Palestina at Israel, idiniin Nobyembre 25, 2024, ni Fu Cong, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na dapat itigil ang mas malawakang sagupaan sa Gaza Strip.

 

Nanawagan si Fu sa Israel na dapat itigil ang pagkahumaling nito sa paggamit ng puwersa, itigil ang pananalakay sa mga bansang gaya ng Lebanon, Syria at Iran at iba pang mga bansa, at itigil ang mga probokatibong aksyon.

 

Sinabi niya na noong Nobyembre 20, dahil sa pagbeto ng Amerika sa mga pagsisikipap ng UNSC na isulong ang agarang tigil-putukan sa Gaza Strip, muli itong nabigo.

 

Sinabi pa niya na simula noon, lalo pang lumalala ang kalagayan sa Gaza Strip at tumatahak ito sa mas mapanganib na direksyon.

 

Nanawagan aniya ang panig Tsino sa ilang bansa na harapin ang kanilang sariling responsibilidad at suportahan ang UNSC sa paggamit ng lahat ng opsyon upang gumawa ng karagdagang aksyong para makamit ang agarang tigil-putukan at maibalik ang kapayapaan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Lito