Mensahe, ipinadala ni Xi Jinping sa pulong ng UN hinggil sa Int'l Day of Solidarity with Palestinian People

2024-11-27 10:46:57  CMG
Share with:

 Sa kanyang mensahe, Nobyembre 26, 2024 sa pulong ng United Nations (UN) bilang paggunita sa International Day of Solidarity with Palestinian People, sinabi Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang isyu ng Palestina ay nukleong isyu ng Gitnang Silangan.

 

Ang kasalukuyang pangunahing gawain aniya ay mabisang pagsasakatuparan ng mga resolusyun ng UN Security Council (UNSC) para agarang maitigil ang sagupaan.

 

Aniya pa, ang pundamental na paraan sa paglutas sa isyu ng Palestina ay pagsasakatuparan ng “two states solution.”

 

Hinggil dito, palagian at matatag na kinakatigan ng Tsina ang makatarungang layunin ng mga Palestino na maibalik ang lehitimong karapatan sa pagkakaroon ng sariling bansa, dagdag ni Xi.

 

Kinakatigan rin aniya ng Tsina ang Palestina para maging pormal na kasaping bansa ng UN.

 

Kasama ng komunidad ng daigdig, nakahanda ang Tsina na magkasamang pasulungin ang tigil-putukan ng Palestina at Israel, at katigan ang patuloy na pagkakaloob ng UN ng makataong tulong sa mga mamamayan sa Gaza Strip, saad pa ng pangulong Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio/Frank