Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

ALEXIS REYES: GUANGZHOU THROUGH THE EYES OF FOREIGN FRIENDS

(GMT+08:00) 2013-09-04 16:57:07       CRI

Ang Guangzhou Through The Eyes of Foreign Friends ay isang proyekto na naglalayong ipakilala ang lunsod sa tulong ng mga kwento ng mga dayuhang naninirahan dito.

 Kinapanayam si Alexis ni Machelle, mamamahayag mula sa Serbisyo Filipino ng CRI

Si Alexis Cherie Reyes ay limang taon nang naninirahan sa Guangzhou. Sa kanyang libreng oras, nagsusulat siya para sa Guangzhou Morning Post. Sa kanyang article na isinumite sa aklat, ipinahayag nya ang kahilingan ng maraming mga expat na magkaroon ang pagkakataong permanenteng manirahan sa Tsina. Ipinaliwanag niya na bagamat trabaho ang pangunahing dahilan nang pagpunta sa Guangzhou, marami ang nagtuturing sa lunsod bilang ikalawa na nilang tahanan.

Si Alexis kasama ang ilang mga kaibigang Tsino

Limang taon na sa Guangzhou si Alexis at nagtratrabaho bilang Purchasing and Administrative Officer sa isang trading company. Ang Guangzhou ang manufacturing capital ng Tsina kaya ang kumpanya na kinabibilangan ni Alexis ay namamagitan at tumutulong sa maalwang ugnayan ang mga tagatangkilik sa ibayong dagat at mga pabrika ng fashion items at accessories. Ang Canton Fair ay isa sa mga pinaka-abalang panahon para kay Alexis, dahil dito lahat ng mga mangangalakal at negosyanteng dayuhan at dumadayo sa lalawigan ng Guangdong para bumili ng mga produkto.

Pulong kasama ang isang kliyente mula sa Splash Intimates Dept sa Dubai

Si Alexis kasama ang  kanyang boss na si B.D.Ratnani at buyer na si Ms.Ratna

Ani Alexis masaya ang pamumuhay nya sa Guangzhou. Ito ay ligtas at tahimik na lugar. Ni minsan di sya natakot o nag-aalala para sa kanyang kaligtasan.

Si Alexis kasama ang mga staff na nagpupulong hinggil sa mga order na sapatos

At kung mabibigyan ng pagkakataon gusto niyang mas matagal pang lumagi sa lunsod at maging bahagi ng mabilis na pagbabago nito. At bilang isang manunulat, kumalap pa ng mas maraming kwento para mas makilala ng mga mambabasa ang Guangzhou.

Isang programa kasama si Alexis at ang boss ng kumpanya na si B.D. Ratnani

Ang buong interbyu kay Alexis Reyes ay mapapakinggan sa tulong ng audio plug-in sa gawing itaas ng pahinang ito. Gumamit ng interner browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Ang player ay dapat lumabas sa ilalim ng pamagat ng episode na ito.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>