|
||||||||
|
||
MPST
|
Sa Nanjing Youth Olympic Games (YOG) , kasabay ng mga propesyunal na media na kumakalap ng mga balita at istorya sa likod ng mga balita ang mga IOC Young Reporters. Nakatatawag sila ng pansin dahil una suot nila ang fuschia t-shirt na may tatak na Young Reporter sa likod at higit sa lahat sila ay natatanging mga kabataan na piling-pili para magsanay sa sports journalism.
Ang mga Young Reporters kasama ang IOC President na si Thomas Bach
35 ang bilang ng mga Young Reporters at sila ay mula sa 24 na bansa. Para mahanap ang pinakamagandang mga kwento sila ay malayang nakakikilos sa Olympic Village, nakapapasok sa lahat ng mga sports venues para tunghayan ang aksyon ng Olimpiyada.
Isang Pilipino ang pinalad na mapili sa Young Reporters Program ng International Olympic Committee. Siya ay walang iba kundi si David Lozada, isang multi-media reporter ng Rappler.
Isa sa mga assignments ni David Lozada ang mag-ulat sa rugby event na matagal ng hindi nilalaro sa Olympics.
Talagang bukod tangi ang programa ng Young Reporters at isa ito sa mga dahilan kung bakit espesyal ang Youth Olympics. Patunay ito sa mariing paninindigan ng International Olympic Committee na hikayatin ang mga kabataaan mula sa buong mundo na maging bahagi ng YOG spirit. Sa tulong nito, naisasakatuparan ang adhikaing turuan, ilahok at impluwensiyahan ang mga kabataan ng palakasan at Olympic values at himukin din silang maging aktibo sa kanilang mga kominidad.
Bago pumunta sa Tsina, ibinahagi ni David Lozada na karamihan ng kanyang mga report ay tungkol sa kalamidad o kaya sa krisis. Ito ang unang sabak niya sa Olympics kaya balak niyang hanapin ang mga kwento na di lang magtutuon sa resulta ng mga paligsahan. Nais niyang ilahad ang mga kwento na sisilip sa tunay na nasa puso ng isang atleta, manalo man o hindi ng medalya sa Olimpiyada.
Si David Lozada sa loob ng Young Reporters workroom kung saan isinasagawa ang mga workshops kasama ng mga batikang mentors.
Bihirang oportunidad ang mapabilang sa Young Reporters Program ng IOC. Tunay na pagyayamanin ng karanasan sa Youth Olympics ang kakayanan ni David Lozada di lamang sa sports journalism kundi maging sa mas malawak na larangan ng pamamamahayag. Babalik siya sa Pilipinas matapos ang Youth Olympics na puno ng pag-asang mas magiging makabuluhan ang kanyang mga ulat tungkol sa mga taong makapagbabahagi ng pag-asa sa kanyang mga mambabasa.
Pakinggan ang panayam ni Machelle Ramos kay David Lozada sa programang Mga Pinoy sa Tsina sa pamamagitan ng audio pulg-in sa itaas siguruhin lang na updated ang inyong Flash Payer. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina punta na sa website na filipino.cri.cn. Mapapakinggan din ang programang ito sa Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang page sa Facebook na CRI Filipino Service.
Ang 35 IOC Young Reporters na mula sa 24 na bansa
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |