Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paterno Esmaquel II: Delegado ng Pilipinas sa ASEAN-China Media Forum

(GMT+08:00) 2014-09-24 16:14:36       CRI

Nitong ika-18 hanggang ika-20 ng Setyembre ginanap sa Chengdu, lalawigang Sichuan ang 9th Conference on ASEAN-China People to People Friendship. Ang kumperensiyang ito ay sinumulan noong 2006 sa pangunguna ng China ASEAN Association at ang 10 people to people friendship organizations ng mga bansang kabilang sa ASEAN.

Hangad nitong mapaigting ang mutuwal na pagtitiwalaan at isulong ang pragmatikong kooperasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN sa pamamagitan ng pagtatatag ng plataporma ng pagtatalakayan sa pagitan ng mga mamamayan.

Ang kumperensya ngayong taon ay kinabilangan ng mga porum sa ASEAN China relations, turismo, human resources at media.

Sa episode ng Mga Pinoy sa Tsina, kinapanayam ni Jade Xian ang delegado ng Pilipinas sa Forum on ASEAN China Media na si Paterno Esmaquel II. Alamin mula sa multimedia reporter ng rappler.com kung ano ang mga hamon na kinakaharap ng mga mamamahayag na tulad niyang nakatutok sa balitang may kinalaman sa foreign affairs.

Ang buong interbyu kay Paterno Esmaquel II ay mapapakinggan sa tulong ng audio plug-in sa gawing itaas ng pahinang ito. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Ang Mga Pinoy sa Tsina ay mapapakinggan din sa PODCAST hanapin at i-download ang Kape at Tsaa. Sa Facebook, maaring i-share ang kwentong ito hanapin at i-like ang CRI Filipino Service.

 

Forum on ASEAN-China Media ng 9th Conference on Asean-China People to People Friendship, sa Chengdu, China.
Group picture ng mga panelists (ika-8 sa kanan CRI VP Xia Jixuan, ika-9 sa kanan CRI Southeast Asia Center Director An Xiaoyu, ika-10 sa kanan Rappler Multimedia Reporter Paterno Esmaquel II)

 

Si Pat Esmaquel II (sa kaliwa) at Jade Xian

 

Si Paterno Esmaquel II, multimedia reporter ng rappler.com

Narito po ang artikulo na sinulat ni Pat: http://www.rappler.com/nation/70054-philippines-china-south-china-sea-disasters

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>