Taon taon, mula nang nagsimula ang China ASEAN Exposition sa Nanning noong 2004, bahagi ng preparasyon nito ang pagimbita sa mga reporter mula sa mga kalahok na bansa ng CAEXPO. Ang media delegation ng Pilipinas ay kadalasang binubuo ng print at tv media. Sa 11th CAEXPO dalawang reporters ang dumalaw sa kauna-unahang pagkakataon sa Tsina. Sila ay walang iba kundi si Janvic Mateo ng Philippine Star at si Frances Mangosing ng Philippine Daily Inquirer. Kadalasan, may mga pre conceived notions o mga akala tungkol sa isang lugar lalo pa't kung di pa ito nararating kahit minsan. Ang mga kaalaman ay maaring batay sa mga kwento ng ibang tao o nakukuha sa pagsubaybay sa media. Ikinuwento nina Janvic at Frances ang kanilang pagkakakilala sa Tsina bago sila dumalaw sa bansang ito. At ibinahagi kung ano ang mga nagbago sa kanilang persepsyon matapos silang maglibot-libot at mamalagi ng ilang araw sa Nanning. Pakinggan ang panayam ni Machelle Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Janvic Mateo, reporter ng Philippine Star
Si Frances Mangosing, reporter ng Philippine Daily Inquirer