Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

23rd Kunming Fair at 3rd China-South Asia Expo

(GMT+08:00) 2015-06-24 14:30:21       CRI


First time po naming mag cover ng Kunming Fair.

At ito ay isang naiibang karanasan para sa amin. Idinaos mula June 12 to 16 ang dalawang events na ito. At ngayong taon isang bagong gusali ang pinagdausan ng Kunming Fair – ito ang Dianchi International Convention and Exhibition Centre.

Ang Kunming ay kabisera ng Yunnan. Tinagurian itong Spring City at gateway ng Tsina patungong Southeast Asia. Mabilis na umuunlad ang Kunming, nitong 2012 binuksan ang bagong airport na Kunming Changshui International Airport, at mula noon naging ika-apat na busiest international airport ito sa Tsina.

Mula nang itatag ang China-ASEAN Free Trade Area, malaki ang naging bentahe nito para sa Kunming. Ito ang natatanging metropolitan area na malapit sa ASEAN - partikular sa mga bansang sakop ng Greater Mekong Sub-region. Walang duda ang pagsigla ng turismo at kalakalan sa mga bansang ito.

At noong June 12, 2015, ang 3rd China-South Asia Expo at ang 23rd Kunming Fair ay pormal na binuksan sa Dianchi International Convention and Exhibition Center of Kunming. Dumalo si Li Yuan Chao, Vice chairman of People's Republic of China, sa opening ceremony ng expo at nagbigay ng talumpati. Bukod kay Li Yuanchao, dumalo rin ang iba pang Chinese officials mula sa national, provincial at municipal levels. Dumating sa Seremonya ng Pagbubukas ang mga lider at opisyal ng pamahalaan mula sa Maldives, Laos, Bangladesh, Vietnam, Cambodia, India at iba pa . Ang Inda ang host country ng 3rd CSA Expo, samantalang Thailand naman ang para sa ASEAN.

Sa kabuuan 400 dayuhang bisita at higit 300 kinatawang Tsino ang dumalo sa opening ceremony. Pagdating naman sa expo, 8 bansa sa Timog Asya at 10 bansang ASEAN ang sumali. 25 provinces or municipalities ng Tsina ang nagpakita ng ibat ibang produkto at meron ding partisipasyon ang Hongkong, Macao, at Taiwan. Sa International Convention and Exhibition Centre makikita ang 13 pavilions at ang total number of booths ay umabot sa 6,150 ngayong taon, doble ang bilang kumpara last year.

Sa programang Mga Pinoy sa Tsina pakinggan ang panayam kina Consul General Olivia Palala ng Philippine Consulate General na sakop ang Yunnan at Albert Abaya, negosyanteng Tsinoy na sumali sa pangkalakalang perya sa Kunming.

Seremonya ng Pagbubukas

Olivia Palala, Consul General ng Pilipinas sa Chongqing, Tsina

Booth ng Goldentop sa Kunming Fair

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>