Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Consul General Raly Tejada:  Labor issues sa Guangzhou

(GMT+08:00) 2015-05-20 16:37:03       CRI


Aktibong partner ng iba't ibang mga organisasyon sa Guangzhou ang Konsulado ng Pilipinas na pinamumunuan sa kasalukuyan ni Consul General Raly Tejada. Bukod sa Guangzhou saklaw ng kanyang tanggapan ang mga karatig lunsod tulad ng Shenzhen at mga lalawigan sa timog ng Tsina tulad ng Hainan. Bilang maasahang katuwang ng Filipino community, ang suporta at pagtataguyod ng kondulado ay susi rin sa tagumpay at pagpapatuloy ng isang aktibidad.

Tuwing Mayo, isang liga ang inaabangan sa Guangzhou. Ito'y limang taon nang ginaganap at isang proyekto ng Filipino Teachers Association. Ibinahagi ni Consul General Tejada na todo suporta ang kanyang tanggapan sa May Palaro sa Guangzhou 2015, "It's simething we supported because it strengthens the community in Guangzhou. Once a year we show to the community that there's a venue to network, to play games. Basically (just) to have fun."

Ang buwan ng Mayo ay buwan para sa mga manggagawa. Di maitatanggi na sa kasalukuyan parami nang parami ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa Tsina. Samu't saring larangan at iba't ibang mga propesyon. Mesahe ni Ginoong Tejada sa mga OFWs "You are ambassadors in your own right. Please show your best. Always talk well about your country. Always uplift yourself and your countrymen."

Disyembre noong isang taon, sa Ningbo Airport ng Tsina, isang Pinoy ang nahuli ng mga awtoridad na nagtatangkang magpuslit ng limang kilo ng shabu papuntang Malaysia. At kamakailan muling natuon ang pansin ng komunidad sa isyu ng mga Pilipino drug mules dahil sa kaso ni Mary Jane Veloso – Pilipinong napiit sa death row sa Indonesia. Sa panayam ng Mga Pinoy sa Tsina kay ConGen Tejada natalakay ang isyung ito at inaming may mga Pilipinong nakapiit sa Tsina dahil sa kaso ng droga. At iginiit na inaasikaso nila ang mga kasong ito, "Hindi natutulog ang konsulado, ang gobyerno. We do our best that their legitimate rights are protected.

Kanya ring ipinagdiinang sumailalim sa tamang proseso na itinalaga ng pamahalaan ng Pilipinas para sa mga mangagawang nangingibang bayan at ipinaalala ang kahalagahan ng pagsunod sa batas ng bansang pagtatrabahuan.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>