Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Floyd Ricafrente : Buhay at Himig ng Circus

(GMT+08:00) 2015-08-26 13:53:46       CRI


"To be a leader, you need to be a good listener. " Ito ang motto ni Floyd Ricafrente sa kanyang bagong posisyon bilang Musical Director ng Zhuhai Chimelong International Circus. Sa circus na ito, katrabaho niya ang iba't ibang lahi. Isang hamon ang pagkakaiba sa ideya ng pagtatanghal. Minsan ugat ng away ang ibang kultura at ugali sa loob at labas ng kanilang show. Ani Floyd, kailangan niyang pakinggan lahat ng mungkahi at pag-isipan kung ano ang makabubuti para sa kanilang mga palabas.

Siyam na taon nang nagtatrabaho sa larangang ito si Floyd, malayo na ang kanyang narating mula sa pagiging miyembro ng marching band ng Chimelong Amusement Park sa lunsod ng Guangzhou, sa lalawigan ng Guangdong sa Tsina. Ngayon dahil sa kanyang promotion, kinailangan niyang lumisan ng Guangzhou para simulan ang bagong pahina sa kanyang karera sa lunsod naman ng Zhuhai, isang oras ang layo kung sasakay ng speed train mula sa Guangzhou.

Sa bagong trabaho, mas marami siyang "say" sa takbo ng palabas. Mas masusubok ang kanyang kakayahan sa paglikha ng musika at higit sa lahat mas masaya siya dahil sa mas malaking "creative freedom." 150 ang mga circus artists na kanyang katrabaho araw-araw at 16 sa mga ito ay mga musikerong Pilipino.

Sa panayam ibinahagi niya ang lagay ng Chimelong sa pag-usbong ng mga bagong amusement parks sa Tsina, particular ang inaabangang pagbubukas ng Disneyland sa Shanghai, sinabi niyang dapat tingnan ito bilang isang kolaborasyon na magpapasulong sa timog Tsina. Di padadaig ang Chimelong dahil dito makikita ang pinakamalaking aquarium at award winning circus. Aniya pa, kumpleto ang pasilidad ng Chimelong at tiyak na kagigiliwan ito ng lahat ng miyembro ng pamilya. Kaya walang kakabakaba ang UST Alumnus at dating miyembro ng Manila Philharmonic Orchestra, dudumugin pa rin ang kanyang amusement park ng mga bakasyunista.

Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay Floyd Ricafrente sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Si Floyd Ricafrente

Bukod sa pagiging Musical Director ng Chimelong International Circus, si Floyd Ricafrente ay isa ring propesyonal na payaso o clown.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>