|
||||||||
|
||
MPST
|
Labing-apat na taon nang nagtatrabaho at naninirahan sa Tsina sina Peter at Maryknoll de Jesus. Mula Baguio, ang kanilang pamilya ay sama-samang namuhay sa Lijiang, pagkatapos sa Beijing at sa ngayon sa Kunming.
Consultant sa isang dayuhang kumpanya si Peter samantalang si Maryknoll naman ay guro ng Ingles sa Kunming Medical University.
Sa interbyu ni Mac Ramos, ipinakilala ng mag-asawa ang lunsod ng Kunming at inilahad ang dahilan kung bakit
Ang dahilan, si Maryknoll ay isang Igorot na mula sa Cordillera, at nakita niya ang maraming pagkakatulad ng kanyang probinsya sa lalawigang Yunnan. Isa na rito ang rice terraces na parehong makikita sa dalawang nabanggit na probinsya. Bukod dito, ayon kay Peter tulad ng Cordillera, pareho ring agrikultura ang ikinabubuhay ng maraming mga tao sa Yunnan. Kaya di nakapagtataka ang kanilang pahayag na ang Kunming ay kanilang "home away from home."
Alamin ang iba pang mga dahilan kung bakit kaaya-aya ang pamumuhay ng Pamilya de Jesus sa episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina.
Sina Peter (kaliwa sa litrato) at Maryknoll de Jesus (kanan sa litrato).
Mga estudyante ni Maryknoll de Jesus sa Kunming Medical University.
Mga doktor ng China Medical Team Batch 17 na nag-aral ng Ingles kay Maryknoll de Jesus. Ang grupo ay tutungo sa Uganda ngayong Agosto para isagawa ang medical mission sa bansa.
Ang buong pamilya nina Peter at Maryknoll de Jesus.
Malapit si Maryknoll de Jesus sa kapwa niya katutubo. Sa larawan makikita ang Lahing Miao ng Yunnan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |