|
||||||||
|
||
MPST
|
Mahaba ang karanasan ni Wilson Lee Flores bilang isang mamamahayag, nagsimula ito sa kanyang kabataan. Multi-awarded media practitioner at civic-minded na nagsusulong ng pagpapaunlad ng love for reading, ang kanyang kasalukuyang column sa Philippine Star ay tungkol sa samu't saring usaping panlipunan tulad ng pulitika, kasaysayan, ekonomiya, showbiz at iba pa.
Si Wilson Lee Flores
Kabilang si Flores sa delegasyon ng media mula sa Pilipinas na kamakailan ay dumalaw sa Tsina. Matapos lumapag sa Shanghai, nagtungo ang grupo sa Suzhou kung saan kanilang pinasyalan ang Suzhou Industrial Park at sinaunang bahagi ng lunsod. Narating din ng delegasyon ang libingan ni Sultan Pahala ng Sulo sa Dezhou at matapos nito nagtungo sila sa Beijing para makapanayam ang ilang mga opisyal Tsino.
Si Flores ay isang Tsinoy. Ang kanyang angkan ay naninirahan sa Pilipinas sa loob ng halos 200 taon. Ibinahagi niyang kumpara sa ibang mga bansa sa Asya at buong mundo mas bukas at tanggap ng Pilipinas ang ibang lahi kaya mas kaunti ang problema ng mga overseas Chinese na namamalagi sa bansa. Idiniin niyang ayon sa kasaysayan, maganda ang naging takbo ng pagkakaibigang Sino-Pilipino sa loob ng sanlibong taon.
Pagdadalawan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas
Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino, sinabi ni Flores na ang people to people exchanges ang pinakamagandang paraan para lalong lumakas at maging maayos ang relasyon ng dalawang bansa. Hangad niya na sana'y mas madaming turista mula sa Tsina at Pilipinas ang dumalaw sa bansa ng isat-isa. Mainam din kung mas maraming mga iskolar na Pilipino ang magtutungo sa Tsina at vice-versa kaysa mag-aral sa Europa, Australia o Amerika.
Pagsusulong sa Ibang Aspeto ng Relasyong Sino-Pilipino
Naniniwala si Flores na ang pulitika ay sagabal sa magandang relasyon ng dalawang bansa at lumilikha rin ng problema sa ekonomiya ng Pilipinas.
Kung pag-aaralan ang kasaysayan sa Asya, maraming mga bansa ang nagkaroon ng alitan o pagkakaiba pero nalampasan nila ito at naisulong ang magandang ugnayan sa kalakalan. Halimbawa dito ang Tsina at Timog Korea na magkaiba ang ideolohiya at nagtunggali noong Korean War. Ani Flores nasa-isang tabi nila ito at napayabong ang ugnayang pang-ekonomiya. Dapat gayahin ito ng Pilipinas at pakinabangan ang export market ng Tsina.
Nanghihinayan ang kolumnista dahil hindi masyadong napapasok ng mga produkto at serbisyong Pilipino ang pamilihan ng Tsina. Magaling aniya ang Pinoy sa manufacturing at sayang kung hindi makakasama sa paglalagyan ng puhunan ng Tsina.
Ibinahagi ni Flores "Lahat ng kapitbahay sa ASEAN ang lakas ng relationship sa China sa economics sa trade at tourism. Huwag tayong magpatalo sa Indonesia, Cambodia, Malaysia even Vietnam. Ang Vietnam may kasaysayan ng giyera with China pero ang lakas ng economic relationship nila. Napakaraming pabrika ng China sa Vietnam ngayon. Kaya nakakalungkot kung di tayo makinabang at nakikinabang ang mga kapitbahay natin."
Nagsasariling Polisiya sa Ugnayang Panlabas
Natalakay din sa panayam ang hinggil sa foreign policy ng Pilipinas. Ayon kay Flores "Sana magkaroon tayo ng foreign policy na independiente. The only guide ng foreign policy ng Pilipinas yung tinatawag na national interest ng bansa. Dapat sana ang foreign policy natin kaibigan natin ang lahat mga bansa. Dapat nakikinabang tayo sa bawat bansa, tulad ng Thailand. Ang Thailand napaka close sa Amerika, Hapon, China. Hindi sila pumapanig kanino. Nakikinabang sila sa bawat bansa, dapat ganyan tayo sa Pilipinas."
Balanseng Pag-aaral sa Kanluran at Silangan
Bilang pagtatapos, ang payo niya sa mga kabataang Pilipino, pag-aralan ang mga kapitbahay sa Asya. Ani Flores, "Mas alam natin ang California o New York kaysa China, Korea, Malaysia or Indonesia. Mas naiintindihan natin ang Amerika o Espanya kaysa China, Korea o ASEAN. Wag natin kalimutan na nasa Asya tayo. Ang future ng mundo nasa Asya, hindi nasa Europa, hindi nasa Amerika. Balansehin natin ang kultura natin – pag-aralan natin ang kapitbahay natin hindi lang kanluran pati silangan. Ang Pilipinas sana maging major power sa Asia. Sana magiging Asian power tayo in the Asian Century."
Si Wilson Lee Flores (ika-3 mula sa kaliwa), habang nasa Tomb of the Sultan of Sulu sa Dezhou.
Si Wilson Lee Flores (ikalawa mula sa kaliwa), habang nasa press conference hall ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Pamamasyal nina Wilson Lee Flores (kanan) at Rod Kapunan (kaliwa) sa community center ng Suzhou Industrial Park.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |