Si Adolfo Paglinawan ay isang social media activist at political analyst na nagbibigay ng matapang na pagtasa sa mga isyung-bayan. Siya ay mag-akda ng aklat na A Problem for Every Solution. Matapos ang kanyang pagdalaw sa Tsina sa mga lunsod ng Suzhou, Dezhou at Beijing kasama ng delegasyon ng media ng Pilipinas, pinaunlakan ni Ado Paglinawan ang Mga Pinoy sa Tsina ng isang panayam. Kanyang ibinahagi ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng development plan at pagpapatupad nito kahit nagbabago ang mga nakaupo sa pamahalaan. Dahil sa pagbale-wala sa mga nakakasang plano ani Paglinawan, ang ating "strategy ay nauwi sa stragedy" ibig sabihin imbes na nakatulong ay tuluyan pang nakasama para sa sambayanang Pilipino. Halimbawa nito ang malawakang brown-out noong dekada 90, na di sana mangyayari kung binuksan ang Bataan Nuclear Power Plant. Inisa-isa rin niya ang mga plano ng gobyerno na inanay na lang sa mga tokador ng mga tangganpan ng pamahalaan at tuluyang kinalimutan tulad ng Agriculture and Fisheries Modernization Act at Military Modernization Act. Pakinggan ang buong panayam ni Adolfo Paglinawan sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Sina Adolfo Paglinawan (kanan sa litrato) at An Xiaoyu, Direktor ng Southeast Broadcasting Centre ng China Radio International (CRI).
Si Adolfo Paglinawan
Libro na isinulat ni Adolfo Paglinawan