Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Cilla Martha C. Adriano : Teaching Tips para sa gurong dayuhan

(GMT+08:00) 2015-12-08 12:43:26       CRI

Si Cilla Martha Adriano ay taga Baguio. Bago pumunta ng Tsina, siya ay English Department Head ng Baguio Central University. Taong 2005 tinanggap niya ang alok para subukin ang kanyang kakayahan sa pagtuturo ng wikang Ingles.

Si Cilla Martha Adriano

Kinapanayam sa Xiamen si Cilla Martha Adriano ni Mac Ramos ng CRI Filipino Service.

Hindi siya naging masaya sa kanyang unang pinasukang eskwelahan, ang Xiamen Tourism School. Hirap siyang makuha ang interest ng mga vocational students. Itinuring niya itong isang kabiguan. Pero tila nasa guhit ng palad ni Cilla ang magtagal sa Xiamen.

Dahil habang namamasyal, tiyempo namang nakatagpo niya ang may-ari ng isang eskwelahan para sa mga bata. Matapos dumaan sa pagsusuri, sinimulan niyang magturo sa Jordan's Language School at hanggang sa kasalukuyan, may 9 na taon na siyang masayang nagtuturo sa mga bata.

Ani Adriano, "This is the irony of it. I don't like teaching kids in the Philippines." Pero ngayon mahal na mahal niya ang kanyang mga kids dahil napakasigasig ng mga ito sa pag-aaral ng Ingles. Wala nang hihilingin pa ang guro sa ganitong kalagayan.

Marami pa siyang pinagdaanang karanasan sa trabaho. Kailangan niyang makipag kumpetensiya sa ibang mga dayuhan. Pero tiwala si Cilla sa kanyang kakayahan dahil aniya, "It's how you teach. How you get the interest of the kids."

Sampung taon na siyang nagtatrabaho sa Xiamen. Paalala niya na pihikan ang employer na Tsino at mabusisi pagdating sa mga guro. Dahil dito dapat huwag tatamad-tamad ang Pinoy at talagang ipakita ang galing at kakayahan nito. Dagdag niya sa Xiamen respetado ang gurong Pilipino.

Sa hinaharap pangarap ni Cilla Adriano ang magtayo ng isang paaralan para sa mga batang kalye sa Pilipinas. Hangad din niya na sumulat ng isang aklat na magagamit ng mga nais matuto ng Ingles – bata man o matanda.

Alamin ang ibang kwento ng buhay-Xiamen ni Cilla Adriano sa panayam ni Mac Ramos ng programang Mga Pinoy sa Tsina.

(Ilang larawang napapakita sa masayang klase ni Cilla Adriano sa Xiamen. Napakaraming mga batang Tsino ang interesadong mag-aral ng Ingles at ito ang nagbibigay ng ibayong saya kay Teacher Cilla. Siyam na taon nang guro sa Xiamen si Cilla Adriano, sa simula iniyakan niya ang kanyang klase pero ngayon bakas ang kanyang fulfillment bilang guro dahil sa mainit na partisipasyon ng kanyang mga estudyante. )

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>