|
||||||||
|
||
MPST
|
Nitong Setyembre, dumalaw sa Tsina ang isang delegasyon ng mga mamamahayag na Pilipino. Kabilang sa grupo sina Rod Kapunan ng Manila Standard at Carmen Pedrosa ng Philippine Star. Kilala sina Kapunan at Pedrosa sa kanilang pagbusisi sa galaw ng lipunang Pilipino. Sa panayam ng Mga Pinoy sa Tsina, kanilang ibinahagi ang ilang mga "sangkap" na kulang kaya hirap umasenso ang Pilipinas.
Sa paniwala ni Rod Kapunan, "It is not the pace of development that we will achieve. We can achieve that in 10 years, 20 years, we can achieve that as fast as the Chinese could. But it begins with basic discipline. The word is discipline. But it seems we don't have that. Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan."
Samantala, ayon naman kay Carmen Pedrosa balakid ang masyadong pamumulitika sa mithing kaunlaran ng Pilipinas. Aniya, "I feel very sad, ang mga Pilipino maraming talents pero nasasayang sa politika. Ako ay naniniwala ang malaking problema ng Pilipinas ay nanggagaling sa maling sistema. Ang sistema natin mas involved sila sa politics kesa programa ng pamahalaan. Para umunlad ang Pilipinas, kailangan palitan ang sistema ng gobyerno. Ikalawa, napakaimportante ng edukasyon. At ang papel ng media, hindi dapat laging negative at ang pakikisama hindi lang isang bansa kundi lahat ng bansa kailangan natin ng tulong at pag-aaral para lumago tayo."
Pakinggan ang buong panayam sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Carmen Pedrosa
Si Rod Kapunan
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |