|
||||||||
|
||
MPST
|
SM City Xiamen (SMXM)
Isa sa pinakamatagumpay na kumpanyang Pinoy sa Tsina ang SM Malls. May 15 taon na ang pamumuhunan ng kumpanya sa bansa at ang kauna-unahang mall na binuksan nito ang SM City Xiamen.
Ngayong taon, tinanggap ng SM China ang maraming mga parangal tulad ng 2015 Best Brand Image Award, gawad mula sa 4th China Finance Summit Committee at ang pagkilala ng China-ASEAN Business Council bilang Top Ten Successful ASEAN Enterprises Entering China in 2014.
Si Allan Brosas, AVP ng SM China Operations
Kinapanayam ni Machelle Ramos (kaliwa sa litrato), mamamahayag ng CRI Filipino Service, si Allan Brosas, AVP ng SM China Operations.
Samantala ang SM Xiamen naman ay ginawaran ng Mall China Golden Mall Awards bilang Commercial Asset Management Company para sa 2015, at bilang Excellent Upgrade Project noong 2014. Maging ang itinayong SM Skywalk na nag-uugnay sa gusali ng SM City at SM Lifestyle ay tumanggap din ng pagkilala.
Bilang isang dayuhang mamumuhunan, masusing tumutugon ang SM sa pagbabayad ng buwis kaya naman sa ginawaran ito ng Xiamen Huli District Government bilang Outstanding Taxpayer para sa 2014.
Kinapanayam ng CRI Filipino Service si Allan Brosas, AVP ng SM China Operations sa programang Mga Pinoy sa Tsina para alamin ang iba pang mga inobasyong ipinamamalas ng SM upang patuloy na maging matagumpay ang mga negosyo nito di lamang sa Xiamen kundi sa iba't ibang bahagi ng Tsina.
Ani Brosas, laging kaagapay ang SM sa planong pangkaunlaran ng isang di-sulong na lunsod sa Pilipinas man o sa Tsina. Pinakamagandang halimbawa nito ang Xiamen, ayon kay Brosas "Kasama kami sa pamumuhay ng taga Xiamen.Sumasabay ang SM sa pag-unlad ng Xiamen. Sumabay din ang ibang investors dahil sa tagumpay ng SM Xiamen."
Masayang ibinalita ng SM Executive na "very welcoming" at madaling kausap ang mga opisyal Tsino sa bawat lunsod. Kanilang kinakatigan ang mga plano ng kanyang kumpanya. Sa pitong SM malls sa iba't ibang panig ng Tsina, bahagi ang SM sa planong pang-kaunlaran ng lunsod na nakalatag sa loob ng 10 hanggang 15 taon.
Sa kabila nito, isa sa mga kahirapan ng SM sa Tsina ay ang matinding kumpetisyon mula sa lokal at mga dayuhang malls na tulad ng SM ay may overseas expansion din. Kung sa Pilipinas dinudumog ang pagbubukas ng mga SM, sa Tsina mas kailangan ang agresibong marketing.
Pinahahalagan din ng SM China Operations ang pulso ng mga mamimili. Dahil uso ang internet shopping, kailangang pag-ibayuhin ng SM Malls ang serbisyo sa pagkain at personal beauty o grooming mga bagay na di makukuha sa internet shopping. Ano pa ang pwedeng balik-balikan ng mga tao? Ani Brosas walang iba kung ang natatanging mall experience at shopping convenience. Andito ang mga Pilipino sa Tsina para ituro ang kakaibang serbisyo na kagigiliwan ng customer tulad ng "service with a smile."
Sa hinaharap magkakaroon ng Sky Garden sa roof area ng mall. Bukod dito patuloy ang expansion, dahil bukod sa SM City at Lifestyle, magkakaroon ang SM Xiamen ng mas upscale na lugar na may hotel. Ani Brosas ito at magiging city within a city.
Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay Allan Brosas, AVP ng SM China Operations sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Malaking katipiran sa kuryente ang paggamit ng SM Xiamen ng solar panels at nagpapakita rin ito sa pagpapahalaga ng kumpanya sa kalikasan.
SM Lifestyle Center (SMLS)
Skywalk na nag-uugnay sa SM City at SM Lifestyle, ang estruktura ay tumanggap ng mga gawad mula sa lunsod ng Xiamen.
Sa hinaharap, itatayo ang hotel para kumpletuhin ang planong city within a city ng SM Xiamen.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |