|
||||||||
|
||
MPST
|
MPST
|
Sina Joey Borboran at Elsie Tadlas ay isa sa mga grupong establisado na sa Beijing. Kung susumahin halos 15 taon na silang kumakanta sa Tsina.
Bago maging OFW dating salesman and demonstrator ng piano at organ si Joey sa National Technics. Sinimulan niya ang kanyang pagkanta sa ibang bansa noong 1986. Narating na niya ang maraming mga bansa sa Gitnang Silangan at Asya. At ang pagkanta sa Tsina naman ay unang sibubok noong 1995 pero nagdire-diretso simula 2000.
Samantala, isang Registered Midwife naman si Elsie. Bagamat ibang bansa ang naunang destinasyon, nagtagpo ang kanilang landas sa Urumqi, Xinjiang, lunsod sa hilagang kanluran ng Tsina. Mula rito kanilang nabuo ang partnership na nagdala sa kanila sa ibat ibang lunsod ng Tsina sa panahong di pa lubos na bukas ang bansa at nagsisimula pa lang ang pag-unlad nito.
Kanilang nasaksihan ang pagbabago ng bar scene maging ang dahan-dahang pagtanggap ng mga Tsino sa mga bandang dayuhan. Ani Joey di na siya nanibago dala ng kanyang naging karanasan sa mga bansang tulad ng Korea at Myanmar na huli noon kumpara sa Pilipinas pagdating sa tugtugan.
Bilang mga dayuhang manggagawa dinanas din ng duo ang pagbabago sa mga patakaran hinggil sa working visa. Kwento ni Elsie masuwerte sila dahil naging empleyado sa kumpanya ni Tim Hilbert, Amerikanong negosyante na nagmamay-ari ng Tim's BBQ sa Beijing. Sa Tim's BBQ walong taon nang nakapuwesto ang Pinoy-duo. Kung ikukumpara sa ibang banda, mas-secured sina Joey at Elsie dahil tuloy-tuloy ang kontrata.
Pero bukod sa siguradong trabaho, dahil na rin sa mahabang taon ng kanilang pagtatrabaho sa Tsina, tiwala ang mag-partner na mang-aawit sa kanilang network. Matigil man ang pagkanta sa Tim's dahil sa paglipat ng lokasyon, tuloy ang pagbibigay saya nila sa mga music lovers na hilig ay country at pop music.
Sa Capuccino Bar na makikita sa Sanlitun sikat na lugar panturista at lokasyong namumutiktik ng mga bars at restoran, pinaunlakan nina Joey at Elsie ang programang Mga Pinoy sa Tsina para ilahad ang kwento ng kanilang mga karanasan sa pagtatrabaho sa Tsina.
Pakinggan ang panayam ni Mac Ramos sa pamamagitan ng link sa itaas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |