|
||||||||
|
||
MPST audio
|
Nasa kalagitnaan na si Arlyne Marasigan sa kanyang pag-aaral sa Beijing Normal University. Ang kurso na kanyang napili para sa pagpapakadalubhasa ay Doctorate sa Comparative Education.
Sa Pilipinas, sinimulang isulong ang larangang ito dekada 90 pero tila naudlot at di na lumago.
May 15 taong kipkip na ekspiriyensya sa pagtuturo si Arlyne Marasigan. Matapos magtapos sa Philippine Normal University agad siya nagturo ng Chemistry sa Diliman Preparatory School. At matapos ang halos isang dekada, lumipat siya para magturo naman sa kolehiyong pinagtapusan niya.
Pagtuturo ng Chemistry ang kanyang linya, pero dumating din sa puntong nais niyang maging praktikal at tingnan ang iba pang larangan na alam niyang mas makakaambag sa pagusad ng kanyang karera bilang edukador sa Pilipinas.
Kaya sinimulan niya ang pagkuha ng Ph.D in Philippine Studies dahil aniya sa kanyang pag-aaral ugat ng maraming mga problema sa edukasyon sa bansa ay dahil sa sistemang dayuhan na pinagbatayan ng ating mga paaralan. Dagdag niya madalas na kopya sa ibang bansa ang mga ipinatutupad na programang pang-edukasyon. Mungkahi niya imbes na kopyahin ang best practices mula sa ibang bansa, bakit hindi hanapin ang best fit para sa pagtuturo ng mga estudyanteng Pinoy. Importante diin ng doctorate candidate na tubong Quezon ang contextualization ng sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas.
Para rito magandang pag-aralan ang Comparative Education at taliwas sa mungkahi ng kanyang mga advisers sa PNU, imbes na mag-aral sa isang pamantasan sa kanluran pinili ni ani Arlyne Marasigan na mag-aral sa Tsina.
Pakinggan ang unang bahagi ng pamayam ni Mac Ramos kay Arlyne Marasigan sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |