|
||||||||
|
||
Poster ng pelikula
Eksena sa pelikula
Sapul nang ilabas noong February 24, 2016, 3 linggong naging box office champion ang Korean movie na "Spirits' Homecoming," batay sa tunay na karanasan ng mga comfort women ng Timog Korea.Ang pelikula ay idinerahe ng 42 taong gulang na si Cho Jung-Rae. Pagkaraang lumahok sa palabas para sa mga comfort women sa Timog Korea, naging interesado si Cho sa karanasan ng mga matandang babae roon, at ipinasiya niyang i-rekord ang kanilang pagdurusa.
Naganap ang kuwento noong World War II. Ayon dito, dinala ng mga sundalong Hapon sa Mudanjiang, Hilagang-silangang lunsod ng Tsina na sinakop ng Hapon, ang dalawang 14 o 15 taong gulang na dalaga para maging comfort women. Pagkaraan ng maraming taong pagdurusa, isa lang sa nasabing dalawang babae ang nabuhay at nakauwi pagkaraan ng digmaan.
Labing-apat (14) na taon ang ginugol sa paggawa ng pelikulang ito ng mahigit dahil sa mga kahirapang gaya ng sensitibong tema, kakulangan sa pondo, at iba pa. Kalahati ng pondo ay galing sa crowd funding ng mahigit 75,000 Koreano; at bilang pasasalamat, lahat ng pangalan nila ay lumitaw sa ending ng pelikula.
Ayon sa datos ng Korean Film Council, lampas sa 100,000 person-time ang manonood noong unang araw na inilabas ang pelikula, at lampas naman sa 1 milyon ang manonood noong unang linggo sa takilya. Natalo nito ang mga kilalang pelikula gaya ng Zootopia ng Disney, at London Has Fallen ng Focus Features. Inilabas rin ito sa Amerika, Kanada, Britanya, Australya, New Zealand, at iba pang bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |