Sinuri kahapon sa Geneva ng United Nations Committee on the Elimination of Discrimination Against Women (CEDAW) ang ulat ng pamahalaang Hapones hinggil sa pagsasakatuparan ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women. Ang atityud ng pamahalaan at lipunang Hapones sa isyu ng Comfort Women ay nukleong isyu ng nasabing pagsusuri.
Sa naturang ulat, inamin ng pamahalaang Hapones na sa loob ng isang panahon, nagdulot ang Hapon ng malaking kapinsalaan at kalungkutan sa mga mamamayan ng ibang mga bansa. Ipinahayag din ng mga Punong Ministro ng Hapon ang kalungkutan sa mga comfort women.
Kaugnay nito, nagduda ang mga kahalok na kinatawan ng UN sa katapatan at atityud ng pamahalaang Hapones sa isyung ito.
Ipinahayag nila na nagpabaya ang pamahalaang Hapones sa sariling responsibilidad sa isyung ito at tumangging ilakip ang mga tunay na kaganapan sa kasaysayan ng mga textbook.