|
||||||||
|
||
Sina Yun Byung-se (kanan) at Fumio Kishida sa pag-uusap
Pagkaraan ng kanilang pag-uusap kahapon ng hapon, Lunes, ika-28 ng Disyembre, sa Seoul, ipinatalastas nina Ministrong Panlabas Yun Byung-se ng Timog Korea at Ministrong Panlabas Fumio Kishida ng Hapon, na nagkaroon ang dalawang bansa ng komong palagay hinggil sa isyu ng "comfort women."
Ayon kay Kishida, bilang Punong Ministro ng Hapon, hihingi ng paumanhin at magpapahayag ng pagsisisi si Shinzo Abe, sa mga Koreanong biktimang "comfort woman." Magkakaloob din aniya ang panig Hapones ng 1 bilyong Japanese Yen (8.3 milyong Dolyares) sa foundation na itatatag ng pamahalaan ng T.Korea bilang pagbibigay-tulong sa mga biktimang "comfort women."
Ipinahayag naman ni Yun Byung-se na kung tumpak na ipapatupad ng pamahalaang Hapones ang nabanggit na mga hakbangin, pinal na malulutas ang isyu ng comfort women.
Sinang-ayunan din ng T.Korea at Hapon na sa hinaharap, ititigil na ang pagbanggit hinggil sa isyu ng comfort women sa mga pandaigdig na okasyon.
Pagkatapos nito, ipinahayag naman ni Pangulong Park Geun-hye ng T.Korea, na sa pamamagitan ng naturang komong palagay, makikita ang bagong simula ng relasyon ng T.Korea at Hapon.
Nagpoprotesta ang mga demonstrador sa harapan ng Capitol Hill noong bumisita sa Amerika si PM Shinzo Abe ng Hapon, April 28, 2015
Pero, umiiral din sa T.Korea ang di-pagtanggap ng ilang panig sa naturang komong palagay.
Halimbawa, ipinahayag ng New Politics Alliance for Democracy, pinakamalaking partidong oposisyon ng T.Korea, na batay sa komong palagay, naisabalikat lamang ng pamahalaang Hapones ang "moral responsibility," at iniwasan ang "legal responsibility" sa isyu ng comfort women.
Ipinahayag naman ng isang organisasyon ng mga buhay pang biktimang "comfort women," na ang gusto nila ay kompensasyon alinsunod sa batas ng pamahalaang Hapones, sa halip ng umano'y tulong na pondo batay sa moralidad.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |