"Mandirigma sa Kusina" na nais pasikatin ang pagkaing Pinoy noong sinaunang panahon, siya si Ramon Antonio. Suot ang apron na may disenyo ng bandila, malugod na tinanggap ni Ramon Antonio ang mga panauhing Pilipino at Tsino sa pagbubukas ng Philippine Food Festival sa Green Yard Coffee Shop ng C & D Hotel ng Xiamen.
Mula Abril 23, isang buwang matitikman ng mga bisita ng C & D Hotel ang piling pagkaing Pilipino. Si Ramon Antonio ay kilala sa Pilipinas dahil sa kanyang masigasig na pananaliksik sa mga limot at nawalang lutuin sa iba't ibang rehiyon ng bansa. Misyon niya ang hanapin ang mga lola, mga manang at kusinero sa mga probinsya para pag-aralan ang mga lutuing ihihahaing noong sinaunang panahon. Adbokasiya rin niya ang muling pagbuhay sa interes ng kanyang mga kababayan at mga dayuhan sa lokal na pagkain tulad ng Em at Babi o adobong alimango at liempo ng Pampanga, maging ang puto mangga at lumpiang ngoyong ng Cebu.
Tampok sa Philippine Food Festival ang pamosong mangga na ihahanda na hilaw, manibalang at hinog sa iba't ibang panghimagas. Di bababa sa 15 putaheng Pinoy ang matitikman sa food festival tuwing tanghalian at hapunan. Ang mga pagkaing ito ay tunay na Pinoy at halong Tsinoy. Pakinggan po natin ang mas maraming paliwanag hinggil dito sa panayam tampok si Ramon Antonio.