|
||||||||
|
||
MPST
|
Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ladies Circle Tea Gathering ay buwunang ginaganap para mapaigting ang samahan ng ASEAN at umiikot ang pagtataguyod nito sa sampung mga pasuguan. Nitong unang araw ng Abril, ang pagtitipon ay ginanap sa Vietnam Embassy sa Beijing.
Malugod na tinanggap ni Ambassador Dang Minh Khoi ng Vietnam ang mga bisitang diplomata, kababaihang ASEAN at Tsino na mula sa iba't ibang larangan. Kinilala rin niya ang mahalagang papel ng kababaihan ng ASEAN bilang mga diplomata, ina, asawa at kapamilya. Ang ALC aniya pa ay isang aktibidad na makapagpapalakas sa ugnayan ng mga kababaihan. Hangad niyang lubos na magiging matatag ang pag-uunawaan sa pagitan ng mga kababaihang Tsino at ASEAN.
Bagong talagang embahador ng Laos sa Beijing si Ambassador Vandy Bouthasavong. Ito aniya ay pagkakataon para magpalitan ng kaalaman at karanasan upang higit na yumabong ang pagkakaibigan at kooperasyon sa ASEAN.
Ibinahagi ni Ambassador Erlinda F. Basilio na puspusan ang paghahanda ng Pilipinas sa nalalapit na pagkapangulo ng Pilipinas sa ASEAN sa darating na 2017. Maraming mga panukala aniya ang Pilipinas para mas mapabuti ang kalagayan ng lahat ng mamamayan ng ASEAN.
Pakinggan ang buong talumpati at mga pahayag ng mga diplomatang dumalo sa ALC Tea Gathering sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Ambassador Dang Minh Khoi, nagiisang lalaki sa seremonya ng pamamaalam at pagsalubong sa mga diplomatang kababaihan ng ASEAN sa Beijing.
Mga kababaihang diplomata mula sa Pasuguan ng Pilipinas
Mga diplomatang babae mula sa Pasuguan ng Malaysia
Mga diplomatang babae mula sa Pasuguan ng Thailand
Mga diplomatang babae mula sa Pasuguan ng Indonesia
Spring roll ng Vietnam
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |