Kaugnay ng relasyon ng hukbong Tsino at Pilipino, sinabi nitong Huwebes, Oktubre 27, 2016, ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong ito ay hindi lamang angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawamng bansa, kundi nakakabuti rin sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito. Aniya, mataimtim na isasakatuparan ng dalawang hukbo ang mahalagang komong palagay na narating nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte upang makapagbigay ng positibong ambag sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng