Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahahalagang leksyong natutuhan sa Asian financial crisis, nagpatibay sa Bangko Sentral ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-07-03 18:22:08       CRI

Pabrika ng Denmark sa Batangas, pinasinayaan

IKINALUGOD ni European Union Ambassador Guy Ledoux ang pagpapasinaya sa isang pabrika na bunga ng matatag at lumalagong economic relationship sa pag-itan ng mga bansa sa Europa at Pilipinas.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ambassador Ledoux, na ang pagkakaroon ng mas maraming hanapbuhay ay pinagtuunan ng mga mamamahayag sa nakalipas na ilang linggo.

Sa pagkakaroon ng pabrika sa Batangas, nagkaroon ng hanapbuhay ang may 130 katao. Madaragdagan ito ng may 800 trabaho bago matapos ang 2014. Ang mga ito ay direct jobs na magbubunga ng karagdagang hanapbuhay tulad ng mga maglalaan ng pagkain para sa mga manggagwa at maintenance contract sa pabrika.

Ani Ambassador Ledoux, ang European Union ang pinakamalaking investor sa Pilipinas na mayroong stick na 7.6 billion Euros. Mas mahalaga umano ang salaping ito kaysa sa salaping ipinapasok sa stock exchange na mataling naipapasok at madaling nailalabas.

State of the art factory ang itinayo sa Batangas. Ito ay ang Sonion na nasa loob ng Philippine Export Zone Authority. Mayroon nang 289 na kumpanyang mula sa European Union ang naglagak ng salapi sa mga PEZA zones na sangkot sa food products, textiles, mga kemikal, precision at optical instruments at iba pa.

Ipinaliwanag ni Ambassador Ledoux kung bakit sa PEZA naglalagak ng capital ang mga mangangalakal ng European Union. Isang dahilan umano ay maraming sa mga red tape na nagpapabalam sa kalakal ang naaalis. Mabuting halimbawa ang ipinagkakaloob ng PEZA sa mga gustong magkalakal sa Pilipinas.

Bagama't inilalathala ng marami na problemado ang European Union sa larangan ng pananalapi at hindi na kasing tatag noong mga nakalipas na panahon, ang naganap sa Gresya ay 3% lamang ng buong ekonomiya ng European Union.

1 2 3 4 5
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>