|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga opisyal ng Vatican, dadalaw sa Pilipinas
AABOT sa may 15 mga opisyal mula sa Vatican ang dadalaw sa Pilipinas para sa ocular inspection ng pagdarausan ng 51st International Eucharistic Congress sa taong 2016.
Si Archbishop Piero Marini, pangulo ng Pontifical Committee on IEC, ang mamumuno sa pagdalaw sa Cebu City sa ika-lima ng Setyembre.
Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, minabuti ng arsobispo mula sa Roma na agapan ang pagdalaw sa mga pagdarausan ng pagtitipon.
Maninirahan sila sa Cebu hanggang sa ika-10 ng Setyembre. Liban sa inspeksyon, magmumungkahi rin sila at umaasa ang lahat na magiging higit na makahulugan ang pagdiriwang.
Pinag-aaralan ng Archdiocese of Cebu na ilang mga pagtitipon ang gagawin sa Waterfront Hotel at sa Cebu International Convention Center. Umaasa rin ang arkediyosesis na dadalaw si Pope Francis sa Pilipinas para sa okasyon na nakatakdang gawin sa ika-25 hanggang ika-31 ng Enero 2016.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |