|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kalihim ng Pagsasaka, nanawagan sa mga OFW na mangapital sa mga bukirin
MAS makabubuting maglaan ng salapi ang mga manggagawang nasa ibang bansa sa pagsasaka at pangisdaan. Ito ang panawagan ni Kalihim Proceso J. Alcala ng Pagsasaka sa serye ng agribusiness forum na idinaos sa Roma, Milan at Turin.
Kasama niya ang iba pang mga opisyal ng kagawaran na nagpaliwanag tungkol sa iba't ibang pagkakakitaan sa larangan ng produksyon at pagpropseso ng major crops, mga prutas, gulay, paghahayupan at manukan at pangisdaan.
Dinaluhan ng may 700 mga OFW ang pagtitipong binuo ng mga Kagawaran ng Pagsasaka at Paggawa at Hanapbuhay at ng Embahada ng Pilipinas sa Roma.
Bahagi ito ng P 2 bilyon OFW reintegration and agribusiness program na inilunsad noong ika-7 ng Mayo ng Kagawaran ng Pagsasaka at Paggawa at Hanapbuhay.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Rome Virgilio A. Reyes, Jr. na mayroong aabot sa 170,000 mga OFW sa Italya.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |